bakit restorya laguna?
Nais naming tulungan ang mga guro at magulang na iparamdam sa mga bata ang halaga ng ating lokal na kultura sa paraang makulay at masaya. Sa pamamagitan ng sining at kwento, binubuksan ng ReStorya Laguna ang pinto tungo sa mas malalim na pag-unawa sa ating pinagmulan. Nawa’y maging inspirasyon ito sa mga batang maging tagapagpatuloy ng ating mga kwento.
Layunin
Mapanatili at maibahagi ang kulturang pamana ng Laguna sa pamamagitan ng muling pakukuwento ng mga alamat sa malikhaing paraan na madaling maunawaan ng mga kabataan.
Mithiin
Maging lugar kung saan nagtatagpo ang kultura, sining, at pagkukuwento at magbigay-inspirasyon sa kabataan na ipagpatuloy ang pag-alala at pagbahagi ng ating mga kwento.
ANG MGA MIYEMBRO
Isabela Caballero
Isang artist na mahilig sa videography at graphic design. Masipag at laging handang matuto, laging buo ang puso ko sa bawat proyektong ginagawa ko.
Sofia Mae Dato
Taga-Biñan, Laguna na may pagmamahal sa muling pagkukuwento ng mga alamat sa pamamagitan ng sining. Layunin kong gumawa ng digital art at videos na nagpapakita ng kultura at imahinasyon.
Benice Marian Delin
Isang multimedia art student mula sa San Pedro, Laguna na mahilig sa videography at photography. Gusto kong ipakita ang emosyon sa aking mga likha at makapagbigay-inspirasyon sa iba.
Lloyd Toralf Ocat
Noong bata ay hindi ko napakita ang pagmamahal ko sa sining. Pero hindi iyon naging hadlang upang ituloy ko ang pagiging multimedia artist. Ako’y mahilig sa photography at branding dahil gusto kong ipakita ang lakas at kumpiyansa sa mas malawak na larawan.
John Kenneth Orvida
Isang artist mula sa Quezon Province na mahilig mag disenyo ng mga orihinal na karakter sa sariling istilo ng sining. Hilig ko ang photography at graphic design, gamit ang pagkamalikhain para buhayin ang aking mga ideya.