Nais naming tulungan ang mga guro at magulang na iparamdam sa mga bata ang halaga ng ating lokal na kultura sa pamamagitan ng makukulay at interaktibong mga proyekto. Sa tulong ng sining at kuwento, binubuksan ng Restorya Laguna ang pinto tungo sa mas malalim na pag-unawa ng ating pinagmulan. Nawa’y maging inspirasyon ito sa mga batang magiging tagapagpatuloy ng ating mga kwento.