SAMPALOC LAKE

 Ang Lawa ng Kuwento at Kagandahan

Kung pupunta ka sa San Pablo, Laguna, tiyak na maririnig mo ang tungkol sa Lawa ng SampalokSampalok Lake. Ito ang pinakamalaki sa pitong lawa ng San Pablo, at isa sa mga pinakapaboritong puntahan ng mga bisita. Bukod sa ganda ng tanawin, may dala rin itong alamat na nagbibigay kulay sa kasaysayan ng lugar.

Ayon sa alamat, may isang matandang babae na may puno ng sampalok sa kanyang bakuran. Isang araw, may kabataan na humingi ng prutas ngunit hindi sila binigyan. Dahil sa kanyang kasakiman, biglang lumubog ang lupa at naging lawa ang dating bakuran. Mula noon, tinawag itong Lawa ng SamplaokSampalok Lake, bilang paalala na ang kasakiman ay may kapalit na kaparusahan.

Bukod sa alamat, ang Lawa ng SampalokSampalok Lake ay may kasaysayan bilang sentro ng kabuhayan ng mga taga-San Pablo. Dito sila nangingisda, naglalakad, at nagtitipon. Hanngang ngayon, nananatili itong mahalagang bahagi ng kultura at ekonomiya ng lungsod.

Ang alamant ng Lawa ng SampalokSampalok Lake ay nagtuturo ng pagpapahalaga sa kabutihan at pagbabahagi. Ipinapaalala nito na ang kasakiman ay nagdudulot ng kapahamakan, samantalang ang kabutihan ay nagbibigay ng biyaya. Ang lawa ay paalala na ang kalikasan ay may paraan ng pagtuturo ng aral sa tao.

Kung nais mong maranasan ang isang lawa na puno ng kuwento, puntahan ang Lawa ng SamplaokSampalok Lake. Hindi lamang ito tanawin na maganda sa paningin, kundi isang lugar na puno ng kasaysayan, alamat, at aral. Subukan mong pakinggan ang bulong ng hangin. Kaya mo bang marinig ang kuwento ng puno ng sampalok na naging lawa?

Alam mo ba?

Ang Lungsod ng San Pablo ay isang tanyag na lungsod sa Lalawigan ng Laguna. Kilala ito bilang “City of Seven Lakes” dahil mayroon itong pitong lawa na pawang likas na nabuo: Bunot, Calibato, Mohicap, Palakpakin, Pandin, Sampaloc, at Yambo.

Scroll to Top